Mahigit P35 billion na halaga ng mga proyekto sa Bulacan ang naibaba umano ni Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co.
Ito ang ibinunyag ni Henry Alcantara, ang dating Bulacan first district engineer ng DPWH. Sa halagang ito, hindi aniya bababa sa 20% ang ibinigay umanong obligasyon sa kongresista.