Pinabulaanan din ni Executive Secretary Lucas Bersamin na humingi ang kaniyang tanggapan ng komisyon para sa infrastructure projects.
Sa kaniyang inilabas na opisyal na pahayag, iginiit ni ES Bersamin na walang katotohanan ang salaysay ni DPWH Usec. Roberto Bernardo tungkol sa umano'y 15% na komisyon na hinihingi ng Office of the Executive Secretary.