Sinimulan na ng Philippine National Police ang pagpapapanagot sa mga pulis na sangkot sa hazing na naganap sa isang welcome rites para sa mga bagong patrolman sa Lamitan City, Basilan.
Kaugnay nito, kinasuhan na ang 12 pulis na may direktang kinalaman sa naganap na pambubugbog, kabilang ang force commander na isang police colonel.






















