Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na inalis sa pwesto matapos ang nangyaring hazing na bahagi umano ng welcoming rites sa mga bagong pulis sa Regional Mobile Force Battalion 14-B sa Lamitan City, Basilan noong February 6.
Ayon kay Philippine National Police Public Information Office Chief Police Brig. Gen. Randulf Tuaño, 77 pulis na ang naalis sa pwesto.






















