Sinampahan ng kasong administratibo ng Department of the Interior and Local Government ang 12 opisyal ng Bureau of Fire Protection kaugnay ng umano’y “slot-for-sale” scheme at iba pang anomalya.
Ayon kay Sec. Jonvic Remulla, bahagi ito ng pinaigting na kampanya ng DILG laban sa katiwalian sa loob ng ahensya, kasunod ng mga ulat ng iregularidad sa recruitment at internal operations.






















