
-Pagtanggal kay PNP Chief Gen. Torre, kinuwestiyon ng ilang mambabatas; Sen. Imee Marcos, itinangging may kinalaman sa pagkatanggal kay Torre
-2 LPA, patuloy na binabantayan; La Niña, posibleng maranasan pagpasok ng Setyembre ayon sa PAGASA
-Pag-urong ng disqualification request ng kampo ni FPRRD vs. ICC Prosecutor Karim Khan, itinanggi ni Atty. Kaufman; mga pahayag ng dating pangulo, hindi umano batayan na may extrajudicial killing policy

Tuloy pa rin ang Rotational and Resupply o RORE mission ng Philippine Navy sa mga sundalo ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ito'y sa kabila ng pagdami ng mga sasakyang pandagat ng China sa naturang lugar.

Binigyang-diin ni House Committee on Public Accounts Chairperson at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon na hindi congressional initiative-originated ang reinforced concrete river wall project sa Baliuag, Bulacan
Naniniwala si Rep. Ridon na posibleng may pananagutan dito ang DPWH kabilang na ang tagapanguna nitong si Sec. Manuel Bonoan.

Inatasan ni Department of Transportation Sec. Vince Dizon ang Land Transportation Office na patawan ng perpetual revocation ang lisensya ng driver na nasa likod ng manibela ng sasakyan kung saan pumatong sa hood ang isang traffic law enforcer.

Nakahanda na ang mga malalaking truck ng Manila City local government para sa gagawing paglilipat ng basura mula sa sanitary landfill ng Navotas patungo sa sanitary landfill ng San Mateo, Rizal.