
Nagsasagawa ngayon ng konsultasyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board tungkol sa operasyon ng mga bus at PUV terminals.
Layon anila nito na mas mapaganda ang transportation services.

Tinutulan ng Office of the Prosecutor ng International Criminal Court (ICC) ang hiling ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi personal na dumalo sa confirmation of charges hearing na nakatakda sa Lunes, February 23, 2026.

Ipinahayag ni House Justice Committee Chairperson Gerville Luistro na dapat maisama na sa order of business ng plenaryo ng Kamara ang apat na impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte hanggang March 4, 2026.

Personal na nagsagawa ng ocular inspection si Naga City Mayor Leni Robredo sa ilang flood-prone areas sa syudad bilang paghahanda sa nakatakdang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Tiniyak ni House Speaker Faustino Bojie Dy the Third na tututukan at seryoso ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagpapasa ng aniya’y ‘makatwirang’ batas kontra political dynasties.
Sa harap ito ng panawagang makapagpasa ng batas laban sa dinastiya bago ang eleksyon sa 2028.