
Inilahad ni Senador Ping Lacson ang ilang plano ng Senado kaugnay ng pagliban sa sesyon ni Sen. Bato Dela Rosa.
Sa palagay ni Lacson, dapat bisitahin at amyendahan ang kanilang rules kaugnay ng continuous absences ng isang senador.

Mariing itinanggi ng ilan sa mga biktima ng drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na pinondohan sila ng gobyerno upang makapunta sa The Hague, Netherlands.
Ito ay upang personal nilang saksihan ang confirmation of charges hearing ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court na magsisimula ngayong araw.

Arestado ang isang high-value drug personality at nabuwag ang isang clandestine drug laboratory sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Barangay Veinte Reales, Valenzuela City, madaling araw kahapon, February 22.

Walang halong pulitika kundi serbisyo lamang.
‘Yan ang tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbisita sa Naga City kung saan ang kasalukuyang alkalde ay si dating Vice President Leni Robredo na nakalaban niya noong 2022 elections.

Umalis na sa mga evacuation centers at unti-unti nang umuuwi sa kani-kanilang tahanan ang halos 200 residente o 60 pamilya mula sa Brgy. Ilijan, Bago City at Brgy. Ara-al, La Carlota City na lumikas nang muling magbuga ng abo ang Mount Kanlaon nitong nakaraang Huwebes, February 26.