Back

UNTV News and Rescue

3:31
Politics

PCG, nawalan ng internet connection habang nasa misyon malapit sa Bajo de Masinloc

February 23, 2026 10:18 PM
PST

Nawalan ng Starlink internet signal ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas habang nagsasagawa ng misyon malapit sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea kanina.

Naniniwala ang Philippine Coast Guard na posibleng gumamit ng internet jamming ang China malapit sa isla.

3:55
Politics

Pagiging NBI director, hindi gantimpala – Atty. Matibag

February 23, 2026 10:16 PM
PST

Nagsimula nang manungkulan ngayong araw ang bagong talagang direktor ng National Bureau of Investigation na si Atty. Melvin Matibag.

Ayon sa opisyal, wala siyang sisinuhin sa pagpapanagot sa mga sangkot sa flood control anomaly kahit ito ay kaalyado ng dating administrasyon.

Giit pa niya, hindi maituturing na gantimpala ang pagtatalaga sa kanya bilang hepe ng NBI.

6:37
Crime & Investigation

Operational lapses, tinitingnang dahilan sa pagguho ng basura sa Rizal

February 23, 2026 10:10 PM
PST

Nagpatuloy ngayong araw ang retrieval operation para sa dalawa pang nawawala matapos gumuho ang basura sa Green Leap Sanitary Landfill sa Montalban, Rizal.

Hindi naman inaalis ng lokal na pamahalaan na posibleng may iba pang natabunan sa tambak ng basura bukod sa unang naiulat na 3 indibidwal.

2:51
Politics

Diplomasya sa halip na diskurso, napagkasunduan ng Chinese Embassy at DFA – Sen. Tulfo

February 23, 2026 10:08 PM
PST

Positibo ang resulta ng pagpupulong nina Senator Erwin Tulfo at Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan kasama ang Department of Foreign Affairs.

Tinalakay sa pagpupulong kung paano maayos na mareresolba ang mga isyu sa pagitan ng Pilipinas at China.

4:16
Crime & Investigation

Impeachment complaints vs. VP Duterte, ni-refer na sa House Justice panel

February 23, 2026 10:05 PM
PST

Pormal nang ni-refer ng Kamara sa House Justice Committee ang apat na reklamo ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ibig sabihin, opisyal nang nagsimula ang impeachment proceedings laban sa Pangalawang Pangulo.