
Muling sumiklab ang tensyon sa border ng Thailand at Cambodia.
Nagdulot ito ng pagkasawi ng isang sundalo at sibilyan habang napilitang lumikas ang ilang residente para sa kanilang kaligtasan.

Pinag-iingat ng Embahada ng Pilipinas sa Thailand ang mga Pilipino dahil sa panibagong armed clashes o engkwentro sa border ng Thailand at Cambodia.

Maaaring magdala ng above-normal na pag-ulan ang nararanasang maikling La Niña hanggang sa buwan ng Pebrero ayon sa PAGASA.
Inaasahan naman na bago matapos ang taon ay mayroon pang isang bagyo na posibleng pumasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility o PAR.

Kaalinsabay ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong mas papalapit na ang holiday season, magpapatupad ng extension sa oras ng biyahe ang LRT line 2 simula ngayong araw, December 9.

Nagsimula nang maramdaman ang mabigat na trapiko sa North Luzon Expressway o NLEX ngayong papalapit na ang holiday season.
Inaasahan na lalong dadami ang mga bibyahe mula December 19 hanggang makabalik ang mga ito pagkatapos ng holiday season o hanggang January 5, 2026.