
Matapos ang intense na laban sa opening ng UNTV Volleyball League Season 4, balik-training, strategic planning at paghahanda naman ang gagawin ng AFP Lady Gunnar at COMELEC Suffragettes para sa naghihintay pang siyam na koponan na kanilang haharapin sa court.

Sumailalim sa Cardio Pulmonary Resuscitation training ang mga driver at konduktor ng bus sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Layunin nito na magkaroon sila ng kaalaman sa basic first aid upang makatutulong sa oras ng emergency.

Muling isinasagawa sa Senado ang pagdinig kaugnay ng panukalang pagbubuo ng Department of Water Resources.
Kasabay ito ng mga reklamo sa supply ng tubig sa ilang mga residential area.

Tinatalakay sa Senado ang mga repormang nais pang ipatupad sa Department of National Defense.
Kabilang ang usapin sa pagdaragdag ng mga permanenteng posisyon sa kagawaran.

Arestado ng Bureau of Immigration ang isang Chinese national na napag-alamang nagpapanggap na Pilipino.
Inaalam pa ng ahensya ang motibo ng pagpapanggap ng naturang Chinese national.