
Naniniwala si Atty. Martin Delgra, former Land Transportation Franchising and Regulatory Board chairman at ngayo’y miyembro ng legal team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na dapat tulungan ng gobyerno ng Pilipinas na mapauwi ang dating pangulo.
Ayon kay Atty. Delgra, matagal nang mandato ng kahit sinong administrasyon na kung mayroong Pilipinong nasasakdal sa ibang bansa ay dapat ibigay ng Pilipinas ang lahat ng assistance para ito’y mapauwi.

Pinayagan ng International Criminal Court o ICC ang hiling ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi dumalo sa pagdinig sa kaniyang kaso na nakatakda sa February 27.
Gayunman, ayon sa ICC, magpapatuloy pa rin ang pagdinig sa kabila ng kaniyang hindi pagdalo alinsunod sa Rule 118(3) ng ICC.

Matapos ang sunod-sunod na pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa shear line, isinailalim na sa state of calamity ang probinsya ng Davao de Oro upang mapabilis ang paghahatid ng tulong sa libo-libong apektadong pamilya.

Posibleng hindi suportahan ng mga miyembro ng National Unity Party o NUP sa Kamara ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon sa NUP, sa kasalukuyan, wala pang nakikitang bago at mahalagang ebidensya ang NUP para muling buksan ang mga isyung naimbestigahan at natalakay na sa mga public hearing.

Sinabi ng Philippine National Police o PNP na naging mapayapa sa pangkalahatan ang mga isinagawang protesta mula Maynila hanggang sa Quezon City.
Umabot sa mahigit sa 6,000 ang sumama sa protesta sa EDSA Shrine at People Power Monument, mas mababa ito sa 30 libong indibidwal na inaasahan ng mga otoridad.