
Pinawalang-bisa ng isang Federal judge sa Boston ang polisiya ng administrasyon ni US President Donald Trump na nagpapahintulot sa mabilis na deportasyon ng mga migrante sa mga bansang hindi nila pinanggalingan nang walang sapat na abiso at pagkakataong tumutol.

Binuksan ng Romania ang scholarship application para sa mga Pilipinong nagnanais mag-aral ng higher education sa ibang bansa.
Maaaring tanggapin ang aplikasyon hanggang sa March 31 ngayong taon at inaasahang ilalabas ang resulta sa July 15 sa pamamagitan ng e-mail.

Daan-daang pamilya ang nawalan ng tirahan matapos ang sunog na sumiklab kahapon sa loob ng Intramuros sa Maynila.
Sa ngayon ay kumukilos na ang pamahalaang lungsod ng Maynila para matulungan ang mga pamilyang nawalan ng tirahan.

Ipinagpaliban ng Commission on Appointments o ca ang desisyon kaugnay ng hiling na burahin sa record ang pahayag ni Senator Rodante Marcoleta tungkol sa Kalayaan Island Group.

Kinumpirma ni Senate President Vicente Sotto III na inalisan na ng halos lahat ng committee memberships ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa.
Paliwanag ni Sotto, sumusunod lang sila sa Senate rules kaugnay ng bilang ng non-attendance o pagliban ng miyembro sa isang komite.