
- Rep. Martin Romualdez, pinahaharap ng Sandiganbayan sa pagdinig bukas
- Panukalang 5-year term extension ng barangay at SK officials, aprubado na sa Kamara
- PBBM, nangako sa patuloy na reporma sa edukasyon kasunod ng pag-angat ng Pilipinas sa Programme for International Student Assessment (PISA)

Inako ng Iranian-backed group na Houthi ang pag-atake sa ilang oil at economic facilities sa Saudi Arabia.
Tiniyak naman ng Saudi Arabia ang matinding pagganti sa tinamong pinsala mula sa pag-atake at nangakong gagawin ang lahat ng hakbang para ipagtanggol ang kanilang teritoryo.

“Mahiya naman kayo nang kaunti…”
Iyan ang matinding mensahe ni Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. matapos siyang abutan ng papel na naglalaman umano ng posisyon ng China sa isyu ng South China Sea Arbitration habang sumasagot siya sa plenaryo ng Seoul Defense Dialogue 2026 sa South Korea.

Maaaring hilingin ni Vice President Sara Duterte ang pag-withdraw o pagbawi ng kanyang security detail mula sa Armed Forces of the Philippines, ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.
Kasunod ito ng pahayag ng Bise Presidente kung saan sinabi nito na wala na siyang tiwala sa kanyang security detail dahil ang administrasyon ang pumili sa mga ito.

Hindi maaaring pilitin si Vice President Sara Duterte na magbigay ng testimonya laban sa kaniyang sarili sa impeachment trial.
Ito ang iginiit ng depensa matapos ihayag ng House Prosecution Panel ang planong pagpapatawag sa Bise Presidente bilang testigo sa nagpapatuloy na impeachment trial laban sa kaniya.