
Nabalot ng abo ang ilang barangay sa Negros Occidental kasunod ng muling pagputok ng Bulkang Kanlaon.
Bunsod nito, pinapayuhan ang mga residente sa apektadong lugar na magsuot ng face mask upang makaiwas sa sakit at panganib mula sa usok at abo.

Nakiusap ang isang residente sa Brgy. Pinsao, Baguio City sa UNTV News and Rescue na madala ang kanyang asawa na stroke patient sa ospital. Agad namang rumesponde ang rescue team at inihatid ang pasyente nang ligtas.

Nadiskubre ni Public Works Secretary Vince Dizon ang isang tulay sa Pangasinan na halos isang dekada nang hindi natatapos ang konstruksyon.
Bukod dito, may dalawang diversion road projects na may kasama ring mga tulay sa lalawigan na hindi pa rin kumpleto.

Inamin ni dating Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor na tumutulong siya sa 18 indibidwal na nagpakilalang dating miyembro ng Philippine Marines.
Gayunman, iginiit ng dating mambabatas na wala siyang kinalaman sa nilalaman ng kanilang affidavit at si Atty. Leovigildo Baligod lamang ang direktang nakikipag-ugnayan sa mga ito.

Planong magsampa ng reklamo ni National Security Adviser Eduardo Año laban sa 18 dating miyembro ng Philippine Marine Corps matapos siyang idawit ng mga ito sa isyu ng katiwalian.
Ayon sa kampo ni Año, handa silang ituloy ang legal na hakbang upang linisin ang kanyang pangalan at papanagutin ang mga sangkot sa alegasyon.