
Sa September 23, inaasahang haharap bilang testigo si Public Works Secretary Vince Dizon sa Sandiganbayan 5th Division.
Kaugnay ito ng kasong graft laban kay dating congressman Zaldy Co at mga kapwa akusado niyang dating opisyal ng DPWH MIMAROPA.

Posibleng maharap sa disbarment o iba pang disciplinary action si Vice President Sara Duterte dahil sa pahayag niyang wala siyang tiwala sa mga korte.
Samantala, welcome development para sa ilang miyembro ng House prosecution team ang rekomendasyon ng Office of the City Prosecutor ng Quezon City na ibasura ang reklamong inihain ni Atty. Mans Carpio kaugnay ng disclosure ng bank transaction records nila ni VP Duterte

- Hiling ni dating House Speaker Martin Romualdez, tinututulan ng Ombudsman; PBBM, hands-off umano sa paghuli kay Romualdez
- Senado, mag-iimbita ng legal experts sa pagtalakay sa voting threshold ng impeachment case ni VP Sara; Bise, nais gawing hostile witness ng prosekusyon
- Habagat patuloy na magpapaulan sa Luzon

Sinira ng United States Central Command Forces ang limang Iranian crude oil carriers matapos ang nabigong pag-atake ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) sa US Navy warship.

Itinalaga bilang bagong tagapagsalita ni Vice President Sara Duterte si Atty. Paolo Panelo.
Pangunahing tungkulin ni Atty. Panelo ang pagiging opisyal na point of communication na magpapahayag ng mga pananaw at posisyon ng Bise Presidente.