
Pinaghahanda na ng Office of Civil Defense Negros Island ang mga lokal na pamahalaan sa Negros kung sakaling ibalik ulit sa Alert Level 3 ang Bulkang Kanlaon.
Ayon sa OCD, isa sa mga hamon ay ang evacuation centers at pondong gagamitin para sa response operations.

Planong imbestigahan ng Office of the Ombudsman ang nangyaring hit-and-run case kamakailan sa Cebu kung saan nasawi ang Filipino-Chinese businessman na si Kingston Cheng.
Ayon sa Ombudsman, susuriin nila ang posibleng naging lapses ng mga tauhan ng gobyernong humawak sa nangyaring insidente.

Panoorin ang panayam kay Fire Superintendent Anthony R. Arroyo, ang Chief ng Public Information Service at Spokesperson ng Bureau of Fire Protection ukol sa mga programa ng ahensya sa Fire Prevention Month at mga paalala upang makaiwas sa sunog.

Desisyong nakabatay sa ebidensya.
Yan ang inaasahan ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga hukom ng International Criminal Court matapos ang apat na araw na confirmation of charges hearing sa The Hague, The Netherlands.

Alamin ang susunod na hakbang na gagawin ng mga hukom ng International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber matapos ang confirmation of charges hearing noong nakaraang Biyernes, February 27, kaugnay ng mga kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.