
Iniulat ng Ministry of Defense ng Qatar na inatake sila ng missile noong Huwebes, March 5.
Sinasabing aktibo ngayon ang kanilang air defense systems para harangin ang missile attack.

Nananawagan ang Malacañang sa mga tanggapan ng gobyerno na maging maingat at mapagmatyag kasunod ng pagkumpirma ng National Security Council na mga Pilipino ang naaresto dahil sa umano’y pag-eespiya para sa China.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, tinutugunan na ng security forces ng bansa ang nasabing isyu.

May ugnayan umano sa Defense Department at Philippine Coast Guard ang tatlong Pinoy na nahuli dahil sa umano’y page-espiya para sa China.
Sa isang panayam, sinabi ni National Security Council Spokesperson Asst. Director General Cornelio Valencia Jr. na kabilang dito ang bilang assistant at researcher sa Philippine Navy.

Isinusulong ngayon ni Senate President Tito Sotto III ang pagkakaroon ng isang National Petroleum Reserve na layong palakasin ang energy security ng bansa at masiguro ang stability sa supply ng mga produktong petrolyo sa Pilipinas.

Nagbabala ang Department of Energy kaugnay sa posibilidad ng profiteering at hoarding ng mga produktong petrolyo.
Ito ay sa gitna ng nakaambang pagsipa ng presyo ng langis bunsod ng nagpapatuloy na digmaan sa Middle East.