
Dinidinig ng House Committee on Ways and Means ang sitwasyon sa presyo ng langis sa bansa sa gitna ng krisis sa Middle East.
May kaugnayan din ito sa mga panawagang suspindihin o bawasan ang excise tax sa langis.

Personal na isinilbi ng energy officials ang show cause order sa ilang gasoline stations.
Pinagpapaliwanag ng Department of Energy ang mga ito sa mataas o overpriced na produktong petrolyo.

Pag-aaralan pa ng Senado ang hiling na emergency powers ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ngunit sa ngayon, ayon kay Senate President Vicente Tito Sotto III, nakikipag-ugnayan na sila sa Malacañang kaugnay ng usapin sa oil excise tax.

Nagtatakda ng price range ng mga produktong petrolyo sa gasoline stations ang Department of Energy.
Hiningi na rin ng ahensya ang tulong ng kaukulang law enforcement agencies para sa mas pinaiigting na pagbabantay sa mga gasolinahan.
.webp)
Check out our official social media accounts:
🌞 FACEBOOK: http://www.facebook.com/GoodMorningKuya/
🌞 TWITTER: http://www.twitter.com/GoodMorningKuya/