
Ginugunita ngayong araw ang unang taon mula nang arestuhin si dating Pang. Rodrigo Duterte kaugnay ng mga reklamo sa kanyang naging kampanya kontra droga.
Kasabay nito, muling nagtipon-tipon ang ilang kaanak ng umano’y extrajudicial victims.

Hinikayat ni Atty. Nicholas Kaufman ang mga Pilipino na dalhan ng bulaklak si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang ika-81 kaarawan.
Sa March 28 ginugunita ang kapanganakan ni dating Pangulong Duterte na kasalukuyang nasa detention facility ng International Criminal Court o ICC.

Ginugunita ngayong araw, March 11, ang unang taon mula nang arestuhin si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasabay ng anibersaryo, sinabi ng abogado ng dating Pangulo na patuloy nilang igigiit ang interim release para kay Duterte.
Nilinaw na rin ng lead counsel ni FPRRD ang partisipasyon ng mga Pilipinong abogado nito sa kaso.

Humihiling ng imbestigasyon sa Department of Energy ang Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG kaugnay ng umano’y pagtanggi ng ilang gasolinahan na pagbentahan ng langis ang mga magsasaka at mangingisda.

Tinitingnan ngayon ng Senado ang iba’t ibang paraan upang maibsan ang epekto ng nagbabadyang krisis sa langis.
Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, maaaring gamitin sa pagbibigay ng pinansyal na tulong ang calamity at contingency fund ng pamahalaan.