
Kinumpirma ng Department of Justice na kabilang si dating Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan sa reklamong plunder na isinampa ng National Bureau of Investigation.
Ayon kay DOJ spokesperson Polo Martinez, co-respondent si Bonoan ni Senator Jinggoy Estrada sa reklamo.

Tinawag ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte na isang diversion at drama ang impeachment complaint na inihain laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinampahan na ng impeachment complaint si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kauna-unahang reklamo laban sa kanya mula nang maupo sa puwesto.
Ayon kay House Committee on Justice Chairperson at Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro, kailangang sapat sa porma at sa nilalaman ang reklamo bago ito talakayin ng panel, alinsunod sa itinakdang proseso ng Kamara.
Naniniwala naman si House Senior Deputy Minority Leader at Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice na agad madi-dismiss ang reklamo.

Ginamitan ng pekeng papeles ang isa sa mga luxury car na sinasabing pag-aari ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad.
Patuloy naman ang paghahanap ng Philippine National Police–Highway Patrol Group sa iba pang mga sasakyang konektado kay Co.
Sa ngayon, wala pa umanong seryosong nakikipag-ugnayan sa PNP-HPG mula sa mga nagpaabot ng surrender feelers upang isuko ang tinatayang 10 sasakyang patuloy nilang tinutugis.

Ipinahayag ng Malacañang na hindi nababahala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa impeachment complaint na isinampa laban sa kanya.
Sa kabila ng reklamo, itinuloy pa rin ni PBBM ang kanyang mga naka-iskedyul na aktibidad ngayong araw bilang bahagi ng kanyang tungkulin bilang Pangulo.
Ayon pa sa Palasyo, iginagalang nila ang karapatan ng sinuman na maghain ng reklamo laban sa pangulo, bilang bahagi ng demokratikong proseso.