
Ipagdiriwang ngayong taon ang ika-30 anibersaryo ng Panagbenga Festival.
Tema ng pagdiriwang ang kwento ng pagbangon matapos ang mapaminsalang lindol noong 1990.

Unti-unti nang nakakarekober si Chantal Anicoche, ang U.S. citizen na nasagip ng mga sundalo sa encounter site sa Barangay Cabacao, Abra de Ilog, Occidental Mindoro noong January 8.
Sa gitna ng paggiit ng mga militanteng grupo na palayain siya, sinabi ng Philippine Army na boluntaryo itong lumagda sa kasulatan upang manatili bilang pasyente sa military hospital sa loob ng kampo sa Tanay, Rizal.

Isang babaeng evacuee sa Tabaco City, Albay ang binawian ng buhay.
Ayon sa salaysay ng mga kaanak, naihatid pa sa ospital ang biktima ngunit hindi nagtagal ay pumanaw rin ang pasyente.

Nagbabala si Senator Panfilo 'Ping' Lacson na maaaring maharap sa kasong perjury ang sinumang bumawi ng kanilang pahayag kaugnay ng flood control projects.
Ayaw namang patulan ng Office of the Ombudsman ang isyu.

“Managot ang dapat managot.”
Ito ang binigyang diin ng Malacañang sa umuugong na muling pagsasampa ng impeachment complaint kay Vice President Sara Duterte.
Handa naman si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na harapin ang anumang impeachment complaint na ihahain laban sa kanya.