
Mabilis na aaksyunan ni Senate President Vicente Sotto III ang anumang impeachment complaint na posibleng ihain sa mataas na kapulungan ng Kongreso.
Ito ang inihayag ng senador sa gitna ng mga napaulat na planong paghahain ng reklamo laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.

“Not guilty” ang naging tugon ni Sara Discaya at 8 pang kapwa akusado nang basahan ng sakdal sa Regional Trial Court Branch 27 ng Lapu-Lapu City, Cebu.

Ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kinauukulang ahensya na pag-aralan kung paano mapapauwi sa Pilipinas si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Ito ay upang harapin ang kasong kinahaharap nito na may kaugnayan sa flood control project.

Wala pang katiyakan hanggang ngayon kung may ipapalit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2 commissioner ng Independent Commission for Infrastructure na nagbitiw sa puwesto.
Kaugnay nito, ayon sa Malacañang, wala pa ring nababanggit ang Pangulo kung i-a-abolish ang komisyon.

Posibleng humarap sa kaso ang mga politikong sasama o magiging bahagi ng pamamahagi ng anumang financial assistance ng pamahalaan.
Ayon sa Department of the Interior and Local Government, kung magmamatigas pa rin ang mga halal na opisyal, maaari nang iakyat sa Office of the Ombudsman ang kanilang kaso.