
Nakatakdang lumagda ng Free Trade Agreement at Defense Cooperation Memorandum si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa United Arab Emirates (UAE). 6:30pm nang lumipad ang pangulo kahapon, January 12 patungong Abu Dhabi.

Aminado ang isang House Asst. Majority Leader na magiging mahirap para sa House of Representatives ang pagharap sa impeachment complaints laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Bise Presidente Sara Duterte.

Inaasahang magiging low pressure area ang cloud cluster o kumpol ng mga ulap ngayong umaga. Ang LPA na ito ay maaaring mauwi sa unang bagyo ng taon. Panoorin ang latest update mula sa Philippine Weather Bureau PAGASA.

Patuloy ang rescue operations sa Binaliw landfill sa Cebu City matapos gumuho ang isang metal building kung saan pinaniniwalaang may mga taong na-trap sa loob.

Sinusubukan ng Philippine Rice Research Institute (Philrice) ang 15 inbreed varieties ng palay na inaasahang makakatulong sa pagpapataas ng ani at produksyon ng bigas sa bansa.