
Nagpaalala sa publiko ang National Bureau of Investigation na sa mga lehitimong notary public lamang makipag-transaksyon.
Kasunod ito ng pagkaka-aresto ng isang suspek sa Las Piñas dahil sa pamemeke ng notaryo.

Bukas ang Senate Blue Ribbon Committee na isama sa ginagawa nilang imbestigasyon ang joint affidavit ng 18 indibidwal na nagpakilalang dating miyembro ng Philippine Marine Corps.
Gayunpaman, binigyang-diin ng chairman ng Komite na si Senator Panfilo Lacson na kailangan muna niyang sangguniin ang kaniyang mga kasamahan sa Senado bago magpatuloy sa hakbang na ito.

Sa gitna ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng gasolina at mga pangunahing bilihin, mahalaga pa ring huwag tipirin ang kalusugan.
Para dito, maaari nang makakuha ng P20-K na halaga ng gamot taon-taon ang mga Pilipino sa ilalim ng PhilHealth.

Nagpaabot ng simpatya ang Professional Regulation Commission (PRC) sa isang board exam taker na hindi pinayagang mag-exam dahil apat na minuto na itong late.
Nagpaalala ang PRC sa mga examinee na sumunod sa oras at mga alituntunin ng ahensya at iginiit nito na dapat mapanatili ang integridad ng pagsusulit.

Posibleng mapabilis ang pagdinig sa dalawang reklamo ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte kung hindi sisipot sa mga hearing ang Bise Presidente na siyang respondent o inirereklamo.