
Inihayag ng isang global security expert na si Ray Powell ang umano’y ginagawang influence operations ng China sa Pilipinas.
Layon umano nitong i-manipulate ang impormasyon at impluwensyahan ang sentimyento ng publiko.

Mariing kinondena ng Philippine Navy ang aksyon ng People's Liberation Army Navy vessel sa BRP Miguel Malvar ng Philippine Navy matapos itong tutukan ng fire control radar habang nagpapatrolya ang barko ng Pilipinas sa karagatang sakop ng West Philippine Sea.

Nagbabala ang isang human rights lawyer sa umano’y gagawing diversionary tactics laban sa impeachment proceedings ng Kamara kay Vice President Sara Duterte.

Iginiit ng isang opisyal ng Britain na walang ebidensya na nagpapakitang target ng Iran ang Europa.
Sa kabila nito, tiniyak ng Britain na patuloy nitong poprotektahan ang kanilang interes habang nakikipagtulungan sa mga kaalyado upang mapababa ang tensyon sa rehiyon.

Kinumpirma ng pamahalaan ng Qatar na nasawi na ang lahat ng pitong sakay ng isang military helicopter matapos itong bumagsak sa territorial waters ng bansa habang nasa routine training mission.