
May apela ang House Justice Committee sa Kamara kaugnay ng impeachment process laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ay bago ang pagsisimula ng pagdinig sa dalawang reklamong impeachment ng komite sa March 25, 2026.

Muling magsasagawa ng transport strike o tigil-pasada ang iba't ibang grupo sa bansa sa darating na Huwebes at Biyernes, March 26 at 27.
Ito ay bilang aksyon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Ayon kay Senator Bam Aquino, nasa crisis level na ang bansa, kaya nararapat lamang na ideklara ang state of national emergency.
Layon nitong bigyan ng sapat na kontrol ang pamahalaan sa presyo ng mga pangunahing bilihin at krudo.

Dumating na sa Pilipinas ang panibagong batch ng mga Pilipinong umuwi mula sa Middle East.
Personal silang sinalubong at kinumusta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Halos wala nang maiuwing kita ang mga driver ng pampublikong transportasyon bunsod ng labis na pagtaas ng presyo ng langis.
Kaya naman, todo-diskarte na ang ilan sa kanila sa kanilang pamamasada upang kahit papaano ay makatugon sa pangangailangan ng kanilang pamilya.