
Sa pagpapatuloy ng bakbakan sa hardcourt ng UNTV Volleyball League Season 4, muling na-depensahan ng AFP Lady Gunnar ang kanilang standing sa game sa ikatlong pagkakataon.
Nagpakita naman ng katatagan ang PhilHealth Health Insurers at nanatiling dominado sa winning column.

Binuksan ng Cebu City local government ang employment program upang bigyan ng oportunidad ang mga senior citizen na may kakayahang pang magtrabaho.

All set na ang Bureau of Fire Protection para sa isang linggong aktibidad at mga gawain kaugnay ng 10th National Fire Olympics 2026.
Highlight ng events na masubok ang kakayahan ng mga bumbero sa kahandaan, bilis ng responde, at koordinasyon ng bawat isa pagdating sa mga tunay na sitwasyon ng sunog at sakuna.

Walong makabagong fire trucks ang itatalaga ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa iba't ibang paliparan sa bansa.
Layon nito na palakasin ang aircraft rescue at pag-aapula ng mga posibleng sunog sa operasyon ng mga paliparan.

Magkatuwang na lalaban ang Philippine National Police at Department of Education kontra sa ilegal na droga sa mga paaralan.
Kaugnay nito, hiniling ng PNP sa pamunuan ng mga eskwelahan na maging proactive sa values formation.