
Bukas ang kampo ni Vice President Sara Duterte sa pagbibigay ng protective custody kay Ramil Madriaga.
Layon ni Atty. Michael Poa na mabigyan sila ng pagkakataong mabusisi at mapabulaanan ang mga testimonya ni Madriaga laban sa Pangalawang Pangulo.

Ipinag-utos ng Energy Regulatory Commission ang suspensyon ng operasyon ng Wholesale Electricity Spot Market o WESM sa Luzon, Visayas, at Mindanao grid.
Alinsunod ito sa kautusan ng Department of Energy na ibinigay kahapon kasunod ng deklarasyon ng State of National Energy Emergency dahil sa disruption ng suplay ng langis at pagtaas ng presyo nito.

Handang magbigay ng libreng sakay ang Pambansang Pulisya para sa panibagong nationwide transport strike.
Layunin ng programang libreng sakay na mapagaan ang pasanin sa biyahe ng mga umaasa sa pampublikong transportasyon sa panahon ng welga.

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsusumikap ng pamahalaan na mailikas sa lalong madaling panahon ang mga Pilipinong naiipit sa gulo sa Gitnang Silangan.

Target ng Department of Energy na bumili ng 2 million barrels ng langis mula sa P20 billion na emergency fund na inaprubahan ng Department of Budget and Management.
Bahagi ito ng mga hakbang ng gobyerno upang maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng petrolyo at pabago-bagong galaw na sitwasyon ng langis sa pandaigdigang merkado.