
Nagpakita ng dominanteng performance ang Ombudsman Graftbusters kontra BIR Nation Builders para makabalik sa win column ng liga.
Nakabawi ang Graftbusters matapos ang naunang pagkatalo kontra AFP Cavaliers.

Binigyang-diin ni Canadian Prime Minister Mark Carney ang matibay na alyansa ng Canada at Europe.
Sa kanyang mensahe sa European Parliament, iginiit ni Carney na ang kanilang alyansa ay hindi lamang nakabatay sa mga bagay na kanilang tinututulan.

Sinusuri ng Senate finance committee ang halos P300-B proposed budget ng Department of Transportation para sa 2027.
Lumabas sa budget briefing na ilang mahahalagang proyekto ng ahensya ang hindi nabigyan ng pondo sa National Expenditure Program.

Iginiit ng Department of Justice na hiwalay at independent sa anumang proceedings sa International Criminal Court ang obstruction of justice complaint laban kay Sen. Robinhood Padilla kaugnay ng umano’y pag-alis ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.
Tugon ito sa pahayag ni Padilla na mas mainam umanong dalhin na lamang sa ICC ang kaso laban sa kanya.

Ipinatatawag ng National Bureau of Investigation ang regional director ng Department of Public Works and Highways sa Davao Region kaugnay ng imbestigasyon sa flood control projects sa Davao City.