
Sisimulan na rin ng Department of Social Welfare and Development ang pamamahagi ng ayuda sa mga tsuper sa probinsya pagkatapos ng long holiday.
Ayon kay Secretary Rex Gatchalian, uunahin nila ang CALABARZON at Region 3.

Panauhing pandangal si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 47th Commencement Exercises ng Philippine National Police Academy sa Silang, Cavite.
Umabot sa 326 ang PNPA graduates ngayong taon.

Hinatulan ng 17 taong pagkakakulong dahil sa kasong corruption ang dating alkalde ng Taipei at minsang tumakbo sa pagka-pangulo na si Ko Wen-je.
Si Ko ay napatunayang guilty ng Taipei District Court kaugnay ng isang property redevelopment project habang siya ay alkalde.

Mas lumalawak pa ang kontrol ng mga mararahas na gang sa Haiti, partikular sa karagatan at sa mga pangunahing kalsada sa kabiserang Port-au-Prince.
Bukod sa mga gang, nahaharap din sa akusasyon ang pulisya ng paggamit ng karahasan at summary executions.

Mariing tinututulan ng European Union ang parusang kamatayan sa lahat ng pagkakataon at sa anumang kalagayan.
Ito ang inihayag ng EU matapos aprubahan ng Security Committee ng Israeli Parliament ang panukalang batas na nagtatalaga ng death penalty.