
Isang sundalo ang nasawi, habang isang miyembro ng teroristang grupong New People's Army ang nahuli sa engkuwentro kahapon, March 29, ng umaga sa San Jose, Occidental Mindoro.

Ayon sa DSWD, sisimulan nila ang special payout pagkatapos ng long holiday break ngayong linggo.Ito ay para sa mga driver na hindi pa nakatatanggap ng ayuda, yung ipinamigay na cash relief assistance ng pamahalaan.

Lumagda sa isang kasunduan ang Department of Justice at Philippine Amusement and Gaming Corporation para sa data sharing ng profile ng mga opisyal at empleyado ng DOJ at mga attached agencies nito.

Nag-inspeksyon ang Department of Agriculture o DA sa pampublikong pamilihan sa Malabon upang tingnan ang presyo at suplay ng ibinebentang karne, gulay, at bigas.

Itinanggi ng Malaysian multinational oil and gas company na Petroliam Nasional Berhad o Petronas ang ulat na mayroong inaayos na kasunduan para sa posibleng fuel supply sa isang lokal na pamahalaan sa Pilipinas.