
Dumating sa tanggapan ng national bureau of Investigation Cybercrime Division ang content creator na umano’y nagpost ng pekeng medical certificate ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Ngunit sa panayam kay Jack Argota, sinabi niya na pinagpaliwanag lang umano siya sa NBI tungkol sa kaniyang post.

Ini-anunsyo ni Vice President Sara Duterte ang kanyang pagtakbo sa pampanguluhang eleksyon sa taong 2028.
Kasabay nito ay humingi ng tawad ang bise presidente kaugnay ng ilang isyung pambansa.

Tumanggi munang magkomento ang abogado ni former President Rodrigo Duterte na si Atty. Nicholas Kaufman kung personal na dadalo ang dating pangulo sa confirmation of charges hearing nito sa International Criminal Court (ICC).

Magpapatawag ng caucus ang Senado upang talakayin ang hakbang ng Office of the Prosecutor ng International Criminal Court na nagbanggit kina Senador Bong Go at Ronald Bato dela Rosa bilang umano’y mga kasamang may pananagutan sa mga pagpaslang na naganap noong kasagsagan ng war on drugs ng Duterte administration.

Itinuturing na diversion at distraction ng ilang kongresista ang pag-anunsyo ng political plan para sa 2028 ni Vice President Sara Duterte.
Ayon sa mga Makabayan lawmakers, ang dapat harapin ngayon ng bise presidente ay ang mga alegasyon ng korapsyon dahil sa umano’y maling paggamit nito ng confidential funds.