
Mula sa writers at designers hanggang sa programmers, unti-unting kayang gawin ng AI ang trabaho ng tao.
Alamin kung paano ka makaka-adjust at manatiling valuable sa mabilis na pagbabago ng industriya.

Nagbigay ng donasyon na aabot sa 200 million won o humigit-kumulang P8-M si BTS member J-Hope sa Children’s Hospital ng Seoul Asan Hospital bilang pagdiriwang ng kanyang 32nd birthday ngayong araw, February 18.

Isang rider sa Bacolod City ang hinihinalang nagtamo ng deformity sa kanyang balikat matapos ma-out balance ang minamanehong motorsiklo.
Agad namang nagtungo ang UNTV News and Rescue Team sa lugar ng insidente bilang tugon sa tawag ng City Disaster Risk Reduction and Management Office upang maglapat ng paunang lunas.

Sa kabila ng paulit-ulit na paalala tungkol sa mga sakit na dulot ng paninigarilyo, marami pa rin ang nahihirapang iwasan ang bisyong ito.
Kaya naman muling nagpaalala ang Department of Health at nagbigay ng mga gabay para sa mga nagnanais tumigil sa paninigarilyo at vaping.

Isang bagong defense plan ang inilunsad ng Canada na layong unti-unting bawasan ang pagsalig nito sa Estados Unidos sa usaping seguridad.
Kasama rin sa estratehiya ang pagpapalakas ng sariling defense industry ng bansa at pagtitiyak ng soberanya sa harap ng lumalalang banta sa mundo.