
Sumiklab ang isang grass fire sa Barangay Tanabag, Puerto Princesa, Palawan, bandang alas-dos ng hapon, araw ng Linggo.
Umabot sa halos dalawang ektarya ang lawak ng nasunog dahil sa grass fire.

Binigyang-diin ng isang independent policy analyst na ang dapat bantayan ng publiko sa pagdinig ng House Justice Committee sa reklamong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte ay ang mga ebidensiyang ipinresenta.
Sa April 14, magsisimula na ang House panel na suriin ang mga ebidensya at testigo kaugnay ng mga alegasyon ng impeachable offense laban sa pangalawang pangulo.

Suportado ng Bureau of Corrections ang panukalang Treaty on the Transfer of Sentenced Persons sa pagitan ng ASEAN countries.
Layon nito na magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga bansa para sa pagpapabalik ng isang bilanggo base sa kaniyang nationality at makatulong sa correctional management ng mga ito.

Nagbabala si Transportation Secretary Giovanni Lopez na may kalalagyan at tiyak na maparurusahan ang mga tiwaling airport personnel.
Ginawa ng kalihim ang babala kasunod ng pagkakasangkot ng ilang airport screening officers sa pagkawala ng pera ng isang Australian national na pasahero sa NAIA Terminal 3 noong Biyernes, April 3.

Naglabas ng show-cause order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board laban sa operator ng taxi na sangkot sa umano’y panloloko sa K-pop star at TXT member na si Soo-Bin sa Cebu.