
Sumailalim sa basic life support refresher training ng UNTV News and Rescue ang mga estudyante ng La Verdad Christian College sa Apalit, Pampanga.
Kasama sa kanilang natutuhan ang pagbibigay ng basic first aid.

Puspusan ang paghahanda ng AFP Lady Gunnar para sa nalalapit na pagbubukas ng UNTV Volleyball League Season 4.
Sa kanilang training, tinutukan nila ang mas matibay na depensa at mabilis na transition plays.

Naglabas ng reaksyon ang White House sa pahayag ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na “unfair” o hindi makatarungan ang ilang panawagan ng Estados Unidos kaugnay ng nagpapatuloy na negosasyon upang matigil ang mahigit apat na taong digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Ayon sa ulat, sa pinakahuling trilateral talks kasama ang dalawang bansa at ang Estados Unidos, bagamat aminado ang magkabilang panig na hindi madaling mabuo ang kasunduan, may ilang hakbang na inilalarawan bilang “meaningful progress.”

Nanawagan ang Commission on Population and Development (CPD) na bigyang prayoridad na maipasa ang Adolescent Pregnancy Prevention Bill.
Ito’y kasunod ng tumataas na kaso ng maagang pagbubuntis sa mga kabataang edad 10 hanggang 14 na taong gulang.

Sunod-sunod na tangkang pag-access o pagpasok sa mga government system, kabilang ang cyber attacks sa mga website ng mga ahensya ng pamahalaan at kritikal na imprastraktura, ang naitala ngayong taon.
Ayon sa AFP Cyber Command, ilan sa mga ito ay inuugnay sa mga dayuhang grupo na umano’y may koneksyon sa mga bansang may interes sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.