
Pinag-iingat ng Philippine embassy ang mga Pilipino sa Saudi Arabia, kaugnay sa labanan nito kontra Houthi rebels.
Pinaiiwas rin ang mga Pilipino sa mga lugar doon na may aktibong banta lalo na ang malalapit sa mga kritikal at imprastrakturang pang-seguridad.

Magsasagawa ng mga hakbang ang Pilipinas bilang tugon sa pagbangga ng Chinese Coast Guard sa barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na BRP Datu Magat Salamat, noong isang linggo.
Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro, kailangang matugunan agad ang insidente lalo na at unarmed ang BFAR vessel na binangga.

Hindi na umano makikilahok si Senator Rodante Marcoleta sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon sa Senador ito ay kung magpapatuloy ang proseso sa paraang aniya'y lumalabag sa konstitusyon.

Tinawag na “futile and meaningless” ni Defense counsel Atty. Sheila Sison ang hiling ni House prosecutor Terry Ridon na alisin sa record ang ilan sa mga pahayag ng Depensa na may misrepresentation umano sa Securities and Exchange Commission (SEC) summary at tangka umano nitong ikondisyon ang isip ng publiko sa mga figure na inilalahad.

Inisa-isa sa Senate impeachment court ang mga kumpanya at korporasyong posibleng may kaugnayan kay Vice President Sara Duterte.
Sakop nito ang panahon mula nang maupo sa posisyon ang Pangalawang Pangulo noong 2022.