
Hindi uuurong sa laban.
Ito ang paninindigan ng Iran kasunod ng pinakahuling banta ng U.S. President laban sa kanila.
Ayon sa Pangulo ng Iran, milyong‑milyong Iranian ang handang magsakripisyo para depensahan ang kanilang bansa.

Naglabas ng bagong matinding babala si U.S. President Donald Trump laban sa Iran kung hindi ito makikipagkasundo sa loob ng itinakdang deadline ngayong araw, April 8.

Tiniyak ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO at Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR na handa silang mag-abot ng tulong sakaling kapusin ang pondo ng gobyerno para sa ayuda.

Isasagawa na ngayong araw, April 8, ang multi-panel hearing ng Kamara para tugunan ang sitwasyon sa oil at energy supply sa bansa.
Layunin nito na makabuo ng panukalang batas na tutulong sa Executive Branch para ibsan ang epekto ng global oil price hike.

Patuloy ang paglulunsad ng Department of Agriculture ng mga hakbang upang makabawas sa tumataas na gastos sa food production bunsod ng patuloy na pagsirit ng presyo ng langis.