Back

UNTV News and Rescue

2:00
Politics

2,000 residente sa Nueva Ecija, nakinabang sa Benteng Bigas Program ni PBBM

February 13, 2026 8:32 AM
PST

Nakinabang sa roll-out ng Benteng Bigas Meron Na Program sa ilalim ng Kadiwa ng Pangulo ang nasa 2,000 residente mula sa iba't ibang barangay ng Sta. Rosa, Nueva Ecija.  

Layunin ng proyekto na makapagbigay ng abot-kayang bigas sa mga kwalipikadong benepisyaryo habang pinapalakas ang suporta para sa mga magsasaka sa bansa.

1:07
Weather & Environment

Bumitak na lupa, natuklasan sa Toboso, Negros Occidental

February 13, 2026 8:31 AM
PST

Natuklasan ang pagbitak ng lupa sa Sitio Bairan, Barangay General Luna, Toboso, Negros Occidental.  

Ayon sa impormasyon ng local government unit, tinatayang nasa 500 metro lamang ang layo ng naturang fissure mula sa isang fault system sa lugar.

1:18
Crime & Investigation

2 mangingisda na nag-FB Live para humingi ng tulong, na-rescue sa Gubat, Sorsogon

February 13, 2026 8:30 AM
PST

Ligtas at nasa maayos na kalagayan na ang dalawang mangingisda na nag-live sa Facebook para humingi ng tulong matapos masiraan ng bangka habang nasa laot kahapon, February 12.  

Nangyari ang insidente sa karagatang bahagi ng Barangay Bagacay sa Gubat, Sorsogon.

1:44
Crime & Investigation

Walang online adoption; Ilegal na bentahan ng sanggol, lumalala — NACC

February 13, 2026 8:30 AM
PST

Walang online adoption na isinasagawa ang National Authority For Child Care (NACC) para sa prospective adoptive parents.

Ayon kay Asst. Sec. for Programs and Services ng National Authority for Child Care na si Rowena Macalintal, pito na ang naitalang kaso ng child selling sa mga naging entrapment operations ng Philippine National Police sa unang quarter pa lamang ng taon.

1:31
Crime & Investigation

Tunay na nangyari sa kapitan ng M/V Trisha Kerstin 3, nais paimbestigahan sa NBI

February 13, 2026 8:29 AM
PST

Nais paimbestigahan sa National Bureau of Investigation (NBI) kung ano ang nangyari sa kapitan ng lumubog na M/V Trisha Kerstin 3.  

Ayon sa Aleson Shipping Lines, kabilang sa mga nawawala ang ship captain.