
Marami sa ating mga kababayan, lalo na ang mga driver ng mga pampublikong sasakyan, ang lubhang apektado ang kabuhayan dahil sa sobrang taas ng langis na dulot ng digmaan.
Sa kabila ng krisis na ating dinaranas, dito minsan pang pinatunayan ng mga Pilipino ang ating pagdadamayan para tulungan ang mga kapwa tao nating nangangailangan.

Sumiklab kahapon, April 9, ang sunog sa isang mall sa Biliran Island.
Tinatayang aabot sa ₱44.9 milyon ang halaga ng danyos.

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang rollout ng ₱8-B ayuda para sa mahigit 42,000 barangay sa bansa.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, bawat barangay ay makatatanggap ng ₱200,000 para sa mga proyektong pang-edukasyon, panlipunan at pangkabuhayan.

Nadiskubre kamakailan ng mga awtoridad sa isang residential compound sa Quezon City ang pagde-deliver ng higanteng oil tanker na tinatayang aabot sa sampung libong litro ng diesel.
Alamin ang update sa isyung ito sa live interview kay Bureau of Fire Protection Spokesperson Fire Superintendent Anthony Arroyo.

Ininspeksyon ni Transportation Secretary Giovanni Lopez ang bagong gawa at mas pinagandang istasyon ng MRT-3 sa Quezon Avenue.
Batay sa assessment ng DOTr official, naging mas maayos, malinis at maaliwalas na ang Quezon Avenue station.