
Binisita ng Department of Public Works and Highways kasama ang pamahalaang panlalawigan ng Albay ang nakatenggang konstruksyon ng 4-line Kilicao to Binitayan Bridge.
Ayon sa provincial government, kailangan na maiprayoridad ang pagkumpleto sa konstruksyon ng tulay upang madaanan na ito bago pa matapos ang taong 2026.

Dismayado ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) kaugnay ng sistema ng 'rescue buying' sa produkto ng mga magsasaka.
Ayon sa grupo, hindi umano nito naibibigay ang makatarungang presyo sa ani ng mga magsasaka, sa halip ay mas mababa pa, kung minsan, sa farm gate price.

Itinanggi ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang ulat na may tangka umanong pagpapatalsik kay House Speaker. Faustino Bojie Dy III.
Sa gitna ito ng pagdinig sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte ng House Justice Committee.

Maglalaan ng nasa isang bilyong pisong halaga ang Department of Transportation para sa sisimulang service contracting program sa April 15 kung saan inaasahan na nasa mahigit isang libong transport operators ang makikinabang.

Lumakas pa bilang tropical storm ang tropical depression na mino-monitor ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Gayunman, wala pa umano itong magiging direktang epekto sa bansa.