
Umabot na sa 57 ang mga kinasuhan kaugnay ng welcome rites sa mga bagong pulis sa Lamitan City, Basilan.

Pinaplano na ng Land Transportation Office na magsagawa ng pagbeberipika sa isang emergency vehicle matapos mahuli ang isang ambulansiyang dumaan sa EDSA Busway na napag-alamang ginagamit lamang umano bilang shuttle service.
Samantala, mahigit 300 colorum na sasakyan ang nahuli ng LTO matapos ang 3-day One Time Big Time operation sa bansa na isinagawa noong Lunes hanggang nitong Miyerkules.

Hindi na kakasuhan ang driver ng kotse na nakabundol sa estudyanteng tumalon mula sa Fernando Poe Jr. Station ng Light Rail Transit Line 1 noong February 11.
Ayon kay Quezon City Police District Director Police Brigadier General Randy Glen Silvio, may proseso lamang na kailangang sundin ang pulisya kaya dinala ang driver sa presinto.

Napangiti lamang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang biruin ng singer-actress na si Sharon Cuneta-Pangilinan tungkol sa maling pagpili ng kanyang running mate noong 2022 Presidential elections.
Nangyari ito sa isang event na dinaluhan ng pangulo at ni First Lady Liza Marcos kung saan kumanta ang Megastar.

Naniniwala si Vice President Sara Duterte na may nagawang impeachable offense si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ngunit ayon sa Malacañang, dapat unahin muna ng Bise Presidente ang pagharap sa sarili niyang mga kaso kaysa ang impeachment complaint laban sa pangulo.