
Hindi sasali ang mga bansang kasapi ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa planong blockade ni US President Donald Trump sa Strait of Hormuz sa kabila ng lumalalang tensyon sa Gitnang Silangan matapos mabigo ang peace talks sa Iran.

Nananatiling epektibo ang kasunduan ng Pilipinas at Iran kaugnay ng ligtas na pagdaan ng mga Philippine-flagged vessel sa Strait of Hormuz sa kabila ng blockade ng Estados Unidos.

Nagbabala ang Department of Energy na posibleng tumagal pa ang nararanasang krisis sa enerhiya sa bansa bunsod ng patuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, maaaring abutin pa ito ng anim na buwan hanggang isang taon.

Malabo pa sa ngayon na aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isinusulong na tanggalin ang Value Added Tax o VAT sa langis para mapababa ang presyo ng produktong petrolyo.

Sinuspinde na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang excise tax sa LPG at kerosene upang maibsan ang gastos ng mga Pilipino.
Ayon sa Pangulo, makakatulong ito sa pagbaba ng presyo ng mga produktong ginagamit sa araw-araw.