
Inalis na ng Department of Agriculture ang temporary ban sa pag-aangkat ng mga manok o poultry products mula sa Netherlands.
Kabilang sa mga maaari nang angkatin ang poultry meat, day-old chicks, at mga itlog kung galing ang mga ito sa designated disease-free zones.

Magtatayo ng nasa 150 prefabricated housing unit ang Albay Provincial Human Settlement para sa mga residente na naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Mayon sa Albay.

Hanggang harvest season na lang ang natitirang suplay ng imported na sibuyas ayon sa Department of Agriculture.
Sa datos ng DA, nasa higit 4,400 metric tons ng pulang sibuyas ang natitira sa 82% ng mga cold storage warehouses habang nasa higit 5,200 naman ang mga puting sibuyas at halos lahat ay imported.

Magkatuwang na inaresto ng Bureau of Immigration, Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, at iba pang government intelligence agency ang isang trenta anyos na Mongolian national sa isang aviation school sa Iba, Zambales noong nakaraang linggo.
Kinilala ang suspek na si Boldbaatar Bold-Erdene, isang graduating pilot student ng nasabing paaralan.

Nakakuha pa ng tatlong bangkay ng mga nasawi sa lumubog na MV Trisha Kerstin 3 ang Philippine Coast Guard sa isinagawang underwater operations kahapon, February 15.
Sa kabuuan, nasa 57 na ang bilang ng mga kumpirmadong nasawi dahil sa insidente.