
Kaugnay ng pag-atake ng Amerika, isinara ng Islamic Revolutionary Government ng Iran ang Strait of Hormuz.
Mariin naman itong pinabulaanan ng Amerika.

Pinadalhan na ng subpoena ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang head coach ng basketball team ng Ateneo de Manila University.
Hiniling din ng CIDG ang lookout bulletin laban sa ilang indibidwal sa Bureau of Immigration.

Aatakeng muli ang Amerika sa mga key facilities ng Iran alinsunod sa utos ni United States President Donald Trump.
Sinabi naman ni US Department of War Secretary Pete Hegseth na hindi ito nangangahulugan ng bagong simula ng gyera sa Gitnang Silangan, kundi layunin lamang na magpaabot ng mahalagang mensahe sa Iran.

Iginiit ng Malacañang na nananatili ang paninindigan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng West Philippine Sea.
Kasunod ito ng natuklasang floating structure ng China sa Bajo de Masinloc.

Mariing itinanggi ng abogado ng labingwalong dating security aide ni Zaldy Co na sa kanila nanggaling ang umuugong na security threat sa Senado.
Samantala, ipinatawag sa Ombudsman ang isa sa mga miyembro ng labingwalong "bagmen" para sa isinasagawang imbestigasyon.