
Isinagawa ngayong araw, June 17, ang special session sa Senado na ipinatawag mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung saan inaasahang tatalakayin ang ilang prayoridad na panukala.
Ngunit wala sa sesyon ang mga senador na nasa panig ng Cayetano bloc o ni Senator Alan Peter Cayetano.

Hindi papalampasin ni Senator Erwin Tulfo ang mga umano’y gumagamit ng pangalan ng Senate Blue Ribbon Committee para sa kanilang sariling press conference.
Ito’y matapos ang nangyaring media forum ng labing-walong nagpapakilalang dating bodyguards ni Zaldy Co kahapon, June 16.

Judicial interpretation ang umano’y layunin ng pagdulog sa Korte Suprema ng kampo nila Senator Allan Peter Cayetano.
Ayon sa senador, nais nitong mabigyan ng permanenteng gabay ang mga mambabatas pagdating sa pagpapakahulugan sa mga nakasaad sa batas at sa regulasyon na nararapat ipatupad sa kanilang institusyon.

Tinanggap na ni Senator Alan Peter Cayetano na tapos na ang kaniyang pamumuno sa Senado bilang Senate President.
Sa isang Facebook post, sinabi ng senador na hindi siya magiging hadlang sa posibleng botohan sa special session ngayong mayroon na umanong sapat na numero ang kabilang grupo.

Tiniyak ng liderato ng Kamara ang pakikipagtulungan sa Senado kasunod ng pagkakahalal ni Senator Sherwin Gatchalian bilang Senate president.
Ipinagmalaki naman ng House of Representatives na natapos na nitong aprubahan ang lahat ng panukalang batas na nakapaloob sa Proclamation No. 1318, kung saan nakasaad ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magsagawa ng special session.