Back

UNTV News and Rescue

3:19
Politics

Ukraine, naglunsad ng pinakamalaking pag-atake sa Russia

June 19, 2026 8:47 AM
PST

Nilusob ng daan-daang drone ng Ukraine ang Moscow sa itinuturing nitong pinakamalaking pag-atake sa kabisera ng Russia mula nang sumiklab ang digmaan mahigit apat na taon na ang nakalipas.

Dahil dito, nasugatan ang ilang sibilyan, nagsara ang mga paliparan, at nagkaroon ng mga sunog sa mga mahahalagang pasilidad sa paligid ng lungsod.

2:32
Politics

Israel, pinutol na ang ugnayan sa top diplomat ng European Union

June 19, 2026 8:47 AM
PST

Tumitindi ang tensyon sa pagitan ng Israel at European Union matapos ipahayag ng Israel na puputulin na nito ang lahat ng ugnayan sa top diplomat ng European bloc.

Kaugnay ito sa umano’y pahayag ni EU Foreign Policy Chief Kaja Kallas, kung saan inihalintulad nito ang pagtrato ng Israel sa mga Palestinian sa apartheid regime ng South Africa, bagay na itinuturing ng Israel na matinding paratang laban sa kanilang bansa.

3:12
Politics

Kampo ni VP Duterte, di umano sineseryoso ang pre-trial conference para sa paglilitis

June 19, 2026 8:46 AM
PST

Naniniwala ang House impeachment trial spokespersons na hindi sineryoso ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang proseso ng impeachment.  

Ito ay dahil umano sa kawalan ng mga testigo at ebidensyang sumasalungat sa matitinding alegasyon laban sa Pangalawang Pangulo.

1:08
Politics

Rep. Pulong Duterte, hinamon si Sec. Jonvic Remulla na magpa-hair follicle drug test sila

June 19, 2026 8:46 AM
PST

Hinamon ni Davao City First District Congressman Pulong Duterte si DILG Secretary Jonvic Remulla na kapwa sila sumailalim sa hair follicle drug test.  

Ginawa ni Congressman Pulong ang hamon matapos siyang sabihang “high” at “sabog” ni Secretary Jonvic, hinggil sa pahayag ng kongresista na mayroon na umanong ICC warrant of arrest laban kay Senator Bong Go.

1:39
Politics

SEC, pinagmumulta ang Home Credit dahil sa umano'y unfair debt collection practices

June 19, 2026 8:46 AM
PST

Pinagmumulta ng Securities and Exchange Commission o SEC ng ₱50,000 ang HC Consumer Finance Philippines Incorporated o mas kilala bilang Home Credit dahil sa umano'y unfair debt collection, o hindi makatuwirang paniningil ng utang.