
Hindi lamang irregular na buwanang dalaw ang dapat bantayan ng mga kababaihan kung may Polyendocrine Metabolic Ovarian Syndrome o PMOS, na mas kilala bilang polycystic ovary syndrome o PCOS.
Ayon sa isang obstetrician-gynecologist, maaari itong makaapekto hindi lamang sa reproductive health kundi maging sa metabolismo at pangkalahatang kalusugan ng isang babae.

Dismayado si United States Vice President JD Vance sa ulat na may ilang opisyal ng Israel na bumabatikos kay US President Donald Trump at sa kasunduang nilagdaan nito sa Iran sa halip na magpasalamat.
Nagbabala si Vance na huwag sayangin ng Israel ang relasyon nito sa pinakamalakas na kaalyado at aniya'y nag-iisang tagapagtanggol ng bansa – ang Pangulo ng Amerika.

Nagpakita na sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group ang nagbitiw na Ateneo Blue Eagles head coach na si Tab Baldwin kasama ang dalawa pang miyembro ng coaching staff.
Ito ay kasunod ng ikalawang subpoena na ipinadala ng CIDG kaugnay ng hindi nila pagdalo sa naunang mga imbitasyon ng pulisya.

Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wala pang konkretong kasunduan ang Pilipinas at Russia hinggil sa pag-aangkat ng langis.
Gayunman, sinabi ng Pangulo na bukas ang Russia na dagdagan ang suplay ng langis nito sa Pilipinas.

Ipinaubaya na ni Senate President Sherwin Gatchalian sa Department of Justice ang imbestigasyon sa shooting incident na naganap sa Senado noong May 13.
Umiwas na rin ang senador na magbigay ng karagdagang komento kaugnay ng pahayag ng DOJ na hindi umano under attack ang Senado sa naturang insidente.