
-Mayor Baste Duterte, inaasahang haharap ngayong araw sa impeachment trial ni VP Sara
-Imbestigasyon sa mga alegasyon ni Rodulfo Gracioso Jr. tungkol sa pagde-deliver umano ng maleta-maletang pera sa pamilya Duterte, posibleng isagawa rin ng Ombudsman
-Depensa ni dating House Speaker Martin Romualdez sa kasong plunder, inilatag sa kaniyang petition for bail

Nasungkit ng Philippine men’s sepak takraw team ang bronze medal sa men’s regu matapos ang matinding pakikipaglaban kontra Thailand sa 2026 Asian Games.
Bukod sa kanila, naka-secure din ng bronze medal ang SIBOL Pilipinas sa e-sports MOBA Virtual Battlefield.

Hindi tumitigil ang Russia sa pag-atake sa Ukraine sa kabila ng mga diplomatic effort para matapos ang digmaan.
Sa pinakahuling pag-atake ng Moscow, hindi bababa sa pito ang nasawi habang mahigit limampu ang sugatan.

Ipinatawag ng South Korean Foreign Ministry si Ukraine Acting Ambassador Andrii Vieshkin matapos isapubliko ng Kyiv ang paglipat sa Seoul ng dalawang North Korean prisoners of war (POW).

Pagkatapos na mamataan sa Cabra Island sa Occidental Mindoro noong Linggo ang isang Chinese Coast Guard vessel at tatlong PLA Navy vessels, isa na namang Chinese research vessel ang na-monitor ng Philippine Coast Guard malapit sa bayan ng Itbayat sa Batanes.