
Nagulat ka na lang — may utang daw sa pangalan mo?
Ang masakit pa, nalaman mo lang ito nang pumanaw na ang kamag-anak na gumamit ng identity mo.
Hindi dahil nasa pangalan mo ang utang ay automatic na ikaw ang magbabayad. Paano nga ba lilinisin ang pangalon mo sa sitwasyong ito? Panoorin ang video.

Hiwalay na kayo for years… pero may mali pa sa marriage certificate?
Isang simpleng error sa apelyido pwedeng magdulot ng malaking problema sa annulment at plano mong magpakasal ulit.
Hindi porket hiwalay na, pwede na agad mag “I do” sa iba!
Para malaman ang dapat gawin, panoorin ang video na ito.

Isang post lang, kaso agad?
Kapag kinasuhan ng libel sa ilalim ng Revised Penal Code, mahalagang malaman na bawat respondent ay kailangang magsumite ng sariling counter-affidavit.
Alamin sa video kung paano haharapin ang reklamo at ano ang tamang legal na hakbang.

Ilang OFW sa Jeddah, Saudi Arabia ang humingi ng tulong para makabalik na sa Pilipinas dahil nag-expire na ang kanilang kontrata.
Inilapit sila ng Serbisyong Bayanihan sa Department of Migrant Workers (DMW) upang mabigyan ng kaukulang assistance at repatriation support.

Mas pinalawak na tulong at mas malaking pondo para sa mga kababayan nating OFW Ipinaliwanag ng Department of Migrant Workers kung paano gagamitin ang dagdag na budget para sa mas mabilis na assistance, legal aid, at welfare programs para sa mga nagtatrabaho sa abroad.
Ano ang ibig sabihin nito para sa mga OFW at kanilang pamilya? Alamin sa video.